Tungkol sa QuiAri

Layunin at Pananaw

Ang misyon ng QuiAri ay binuo sa pangunahing prinsipyo ng pagtulong sa mga tao na mabuhay nang mahusay sa abot ng kanilang makakaya. Sa simula pa lang, ang pundasyon ng aming brand ay tungkol sa paglikha ng isang kasiya-siya, pampamilya at pandaigdigan na negosyo kung saan ang mga tao ay nasasabik, may inspirasyon, at handang tumulong sa iba. Ang aming pananaw ay umiikot sa 7 pangunahing pinahahalagahan na dinisenyo upang pagsamahin ang mga Promoter, Customer, at ang aming Corporate Team sa isang nagkakaisang pandaigdigang pamilya.

500,000+

Mga Taong “Naramdaman na Ngayon”

3+

Mga Produktong may Pambihirang Tagumpay

2

Mga Paraan Upang Sumali sa Aming Pamilya

Aming mga Pangunahing Pinapahalagahan

Ano ang NAGPAPALAKAS sa Amin

R

Pagkilala

Ipinagdiriwang ang Tagumpay ng Lahat

E

Kahusayan

Pagsisikap Para sa Pinakamahusay

S

Serbisyo

Una ang Tao

P

Pagiging Positibo

Laging Nangangarap

E

Etika

Paggawa ng Tamang Bagay

C

Pakikipagtulungan

Isang Pamilya

T

Tiwala

Ginagawa Namin Kung Ano ang Tama

Aming Mapangaraping Pinuno

"Ang Aking Pangarap ay tulungan kang maabot ang sa iyo."

- Tagapagtatag at CEO ng QuiAri, Bob Reina

Mula sa Opisyal na Tagapagpatupad ng Batas Hanggang sa Isang Icon ng Industriya

Bilang isang opisyal ng pulisya sa Tampa Bay, Florida, ang Tagapagtatag at CEO ng QuiAri na si Bob Reina, ay nanumpa na "protektahan at paglingkuran" ang kanyang pamayanan - isang katangian na taglay niya hanggang sa iniwan niya ang kapulisan upang ituloy ang ambisyon sa pagnenegosyo. Ngayon, 28+ taon na ang lumipas, patuloy na tinutulungan ni Bob ang mga tao sa isang mas malaking kapasidad bilang may-ari ng isa sa pinakamabilis na lumalagong pandaigdigang negosyo na nakabase sa bahay.

Nahulaan ng lahat ng mga kaibigan at pamilya ni Bob ang kanyang napakalaking tagumpay sa umpisa ng kanyang karera. Nagtapos siyang #1 sa kanyang klase mula sa Tampa Police Academy at nakatanggap ng maraming parangal dahil sa kanyang mga nagawa bilang Deputy. Sa kanyang oras sa kapulisan, nagkaroon ng pagkakataon si Bob na makilala at matulungan ang mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay.

"Masakit sa kalooban na makita ang mga tao, lalo na ang mga pamilyang may maliliit na bata, na hindi maganda ang kalusugan, na halos itinatawid lang ang buhay. Nais kong tumulong, ngunit wala akong kakayahan. Gayunpaman, nagkaroon ako ng isang malinaw na pananaw. Bumaling ako sa Industriya ng Direktang Pagbebenta upang madagdagan ang aking kita at lumikha ng isang paraan upang makatulong sa iba, "- Tagapagtatag at CEO ng QuiAri, Bob Reina.

Sumali si Bob sa isang pangkalusugan at pangkagalingan na kumpanya ng network marketing bilang isang Promoter. Sa kalaunan ay umangat siya sa trabaho upang maging isa sa mga nangunguna pagdating sa kita. Hindi nagtagal, nahigitan ng kita ni Bob sa kanyang "sideline" ang kanyang full-time na suweldo. Bagaman ito ay isang napakahirap na desisyon, nadama ni Bob na makakatulong siyang mapabuti ang maraming buhay sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba kung paano gayahin ang kanyang tagumpay.

Noong 2004, sinimulan niya ang kanyang sariling pandaigdigang negosyo sa network marketing, na mabilis na lumago at gumawa ng marka sa industriya.

Nang simulan ni Bob ang QuiAri, siya ay matagumpay na, ngunit mayroon pa rin siyang pangarap - ang matulungan ang iba. Matapos malaman ang tungkol sa bagong #1 superfruit, ang Maqui Berry, kinailangan niyang ibahagi ang lihim nito sa mundo. Sa loob ng mahigit isang siglo, ang mga Mapuche Indian lamang ng liblib na rehiyon ng Patagonia ng Chile ang nakakaalam tungkol sa natatanging mga benepisyong pangkalusugan ng Berry. Nakipagtulungan si Bob kay Dr. Juan Hancke, ang #1 siyentipikong nakatuon sa Maqui Berry sa buong mundo upang bumuo ng isang pagmamay-aring katas na nagbubunsod ng hindi kapani-paniwalang lakas ng antioxidant ng Maqui hanggang sa 10 beses (MaquiX®).

Si Bob ay may reputasyon sa industriya ng direktang pagbebenta para sa kanyang talas sa marketing, mga produktong world-class, at hangarin na "gumawa ng bago sa halip na gumaya." Ang kanyang pananaw para sa pagpapakilala ng Maqui sa pandaigdigang merkado ay sa pamamagitan ng nakagugulat na lasa ng shake at napakalakas na enerhiya na taglay ng isang tableta.

Naggugol ng ilang buwan si Bob sa pakikipagtulungan sa mga dalubhasang nutrisyonista, na sinusubukan ang higit sa 111 iba't ibang lasa ng shake at pagbuo ng isang tableta na maaaring maghatid ng puro, mahusay at buong araw na Enerhiya. Noong Oktubre 1, 2019, ang QuiAri ay inilunsad sa buong mundo sa higit sa 200 bansa na may hindi pa nakikita na pagmamay-ari na timpla ng Maqui, MaquiX®, at mahahalagang bitamina, mineral, at mga gulay.

Ang paglulunsad ng QuiAri ay nagpayanig sa buong industriya ng kalusugan at kagalingan, hindi lamang dahil sa napakalaking pandaigdigang pangangailangan para sa mga produkto, kundi pati na rin para sa rebolusyonaryong Plano ng Kabayaran nito. Gumawa si Bob ng isang bagay na hindi sinubukan ng ibang kumpanya sa industriya - ang pagbabayad ng mga komisyon sa loob ng 5 minuto saanman sa mundo. Bilang karagdagan sa "Bayad sa Loob ng Parehong Araw," ang mga QuiAri Promoter ay may maraming paraan upang kumita ng malalaking bonus at libreng mga produkto.

Ngayon, ang QuiAri ay isa sa pinakamabilis na lumalagong pandaigdigang negosyo na magagawa mula sa bahay na may mga produktong ipinapadala sa higit sa 200+ bansa at mga internasyonal na tanggapan na matatagpuan sa buong mundo. Batay sa kasalukuyang mga pagpapalagay ng paglago, hinuhulaan ng mga eksperto sa industriya na ang QuiAri ang magiging susunod na bilyon-bilyong dolyar na kumpanya.

Bagaman tutok na tutok si Bob sa pagpapalaki ng QuiAri, sinisikap pa rin niyang ibahagi ang kanyang tagumpay bilang pagbabalik sa pandaigdigang pamayanan. Ang kanyang mapagbigay na pagsisikap sa pagkawanggawa ay madalas na nababalita. Mula sa isang milyong dolyar na donasyon sa Tampa Bay Humane Society hanggang sa pagbibigay ng mga regalo sa mga bata sa Africa, tumutulong si Bob kahit kailan at kahit saan hanggang makakaya niya.

"Ayoko na ang maging alaala tungkol sa akin ay kung magkano ang pera na kinita ko sa aking karera, bagkus kung gaano kalaki ang aking ibinigay pabalik at nabago sa buhay ng mga tao na karapat-dapat sa isang pagkakataon upang makamit ang kanilang mga pangarap." - Tagapagtatag at CEO, Bob Reina

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

  • +1 813-413-8120
  • +1 813-413-8139
  • Mga Oras Lunes – Biyernes
  • 9 am - 5 pm Eastern

May katanungan?

© 2021 QuiAri. Nakalaan ang lahat ng mga karapatan.